Russia – Tumulak na patungong Moscow si Pangulong Rodrigo Duterte para sa limang araw na official visit nito sa Russia.
Sa kanyang departure speech sa naia kahapon, sinabi ng Pangulo na target ng kanyang pagbisita na patatagin ang relasyon ng Pilipinas at Russia na aniya’y nalimitahan dahil sa pakikipag-alyansa sa Amerika.
Kasama ang pinakamalaking business delegation ng Pilipinas, makikipagpulong si Duterte kina Russian President Vladimir Putin at Prime Minister Dmitry Medvedev.
Dito, inaasahang pipirmahan ang ilang bilateral agreement sakop ang defense at security.
Noong Biyernes, una nang sinabi ng Pangulo na kakausapin niya ang Russia kung mabibigyan nito ang Pilipinas ng precision-guided missile.
Kabilang rin sa tinitingnan ng Department of National Defense ang pagbili ng eroplano at baril sa nasabing bansa.
Samantala, makipagpulong din si Duterte sa Filipino community sa Russia.
Nakatakda rin siyang gawaran ng honorary doctorate ng Moscow State Institute of International Relations.
DZXL558