Pangulong Rodrigo Duterte, walang balak talakayin sa ASEAN Summit ang isyu sa West Philippine Sea

Manila,Philippines – Mismong si Pangulong Rodrigo na ang nagsabing walang siyang interes na talakayin sa ASEAN Summit ang naipanalong kaso ng Pilipinas sa arbitration court laban sa China.

Sa ambush interview kay Pangulong Duterte sinabi nito walang saysay kung uungkatinang arbitral ruling kung pareho lang din namang mag mamatigas ang Pilipinas at China.

Aniya,hindi magagamit ang ruling para i-pressure ng buong ASEAN ang China para itigil ang pag-angkin nito sa South China Sea.


Dagdag pa ng pangulo, mas makabubuti kung sa pagitan na lang ng China at Pilipinas pag-uusapanang isyu at hindi na sa harapan pa ng ibang ASEAN Leaders.

Sa interview naman ng RMN kay Kabayan Rep. Harry Roque – aniya, wala talagang kakahinatnan ang Pilipinas kahit mapag-usapan sa ASEAN ang nasabing arbitral ruling.

Facebook Comments