Pangulong Rodrigo Duterte, walang kapangyarihan para pigilan ang COA sa pag-iimbestiga – Lagman

Iginiit ng isang kongresista na walang kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte para ipatigil ang ginagawang pagsilip ng Commision on Audit (COA) sa paggastos ng iba’t ibang mga ahensiya.

Ayon kay Albay Representative Edcel Lagman, ginagawa lamang ng COA ang kanilang mandato upang matiyak na nagagastos nang tama ang pondo na nagmula sa kaban ng bayan.

Matatandaang sa ‘Talk to the Nation Address’ ni Pangulong Duterte kagabi ay binanatan nito ang COA matapos nilang sitahin ang Department of Health (DOH) kaugnay sa paggastos ng ₱67 billion na pondong pangtugon sa COVID-19 pandemic.


Facebook Comments