Pangulong Rody Duterte, Humingi ng paumanhin sa mga nasa likod ng Mighty Corporation

Manila, Philippines – Nag-sorry si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga taong nasa likod ng Mighty Corporation.

 

Ito ay matapos na sampahan ng Bureau of Internal Revenue kahapon ng 9.5 bilyong pisong tax evasion case sa Department of Justice (DOJ) ang may-ari ng kumpanya dahil sa paggamit ng pekeng tax stamps.

 

Sabi ng Pangulo, kung siya lang ang masusunod ay magpapa-areglo na lamang siya sa may-ari ng Mighty Corporation na si Alex Wongchuking.

 

Matatandaang, hinamon noon ni Duterte si Wongchuking na magbigay na lamang ng 3-bilyong piso para hindi na ito makasuhan.

 

Gagamitin aniya ang pera sa pagpapatayo ng ospital sa Sulu at Basilan, kabilang na ang pagpapaayos sa Mary Johnston Hospital sa Tondo, Maynila.





Facebook Comments