Mas lalo pang bumilis ang pagtaas ng antas ng mga pangunahing bilihin at serbisyo noong Disyembre nang nakaraang taon.
Ayon kay Philippine Statistic Authority (PSA) National Statistician at Civil Registrar General Usec. Dennis Mapa naitala sa 8.1% noong December 2022 ang inflation rate kung saan mas mataas sa 8% na inflation rate noong November 2022.
Paliwanag ng PSA ito na ang pinakamataas na inflation rate simula noong taong 2008.
Kabilang aniya sa pangunahing dahilan nakapagdagdag sa bilis ng inflation rate noong December 2022 ay ang food and non-alcoholic beverages gaya ng sa gulay bigas at saging.
Sinundan naman sa nakadagdag sa inflation ay ang restaurant and accommodation services na nasa 7.0 percent kung saan mas ma ilis na pagtaas ng presyo ng restaurant at cafe.
Dagdag pa ng PSA na ang panghuli sa nakadagdag sa inflation rate ay ang pangkat ng housing water, electricity gas and other fuels LPG at suplay ng tubig.