Pangunahing export products ng Pilipinas sa Amerika, hindi maaapektuhan ng mas mataas na reciprocal tariff —Malacañang

Hindi gaanong maapektuhan ng mas mataas na reciprocal tariff na ipinataw ng Amerika ang pangunahing export products ng Pilipinas.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (SAPIEA) Frederick Go, kadalasang buong bansa ang apektado ng mga ipinapataw na reciprocal tariff, pero sa kaso ng Amerika, pinili lang ang mga produktong papatawan ng taripa.

Hindi aniya nito saklaw ang mga produktong semi-conductor at electronics, na pangunahing ine-export ng Pilipinas sa Amerika.

Sa ngayon, kinakalkula pa aniya ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) ang kabuuang epekto ng ipapataw na taripa.

Pero patuloy aniyang nakabantay ang pamahalaan, lalo’t nagpahiwatig ang Estados Unidos na pag-aaralan pa rin nila kung pananatilihing “tariff-free” ang mga industriya at produktong exempted muna sa bagong polisiya.

Sa August 1 magsisimulang maging epektibo ang 20% reciprocal tariff ng Amerika sa Pilipinas, na mas mataas mula sa unang inanunsyo na 17% noong Abril.

Facebook Comments