Pangunahing Suspek Sa Davao Blast, Kinakanlong Ng Isang Teroristang Grupo Sa Central Mindanao

8

MANILA – Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na hawak ng isang teroristang grupo sa Central Mindanao ang pangunahing suspek sa pagsabog sa roxas night market sa Davao City.Ayon kay PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa, habang nagtatagal ang imbestigasyon… mas lumilinaw na may kinalaman ang narco-terrorism sa pagpapasabog.Sinabi din ni dela Rosa, na tukoy na nila kung sino ang mastermind sa pagpapasabog pero, tumanggi muna itong pangalanan.Kumbinsido naman si Davao City Police Director S/Supt. Michael Dubria, na kay Zulkifli Bin Hir alyas Marwan na natuto ang suspek sa paggawa ng bomba.Sa ngayon, nanatiling mahigpit ang ipinatutupad na seguridad sa syudad.

Facebook Comments