Pangunahing suspek sa pagpatay sa isang hukom sa Zamboanga del Norte, naaresto ng NBI

Naaresto na ng NBI ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Judge Reymar Lacaya ng Liloy, Zamboanga del Norte Regional Trial Court.

Kinumpirma ni Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez na nahuli na ng mga pulis si Juliver Cabating sa Mati, Davao Oriental.

Si Judge Lacaya ay binaril sa labas lamang ng Hall of Justice ng Liloy noong May 9, 2019.


Patuloy naman na hinahanap ng mga otoridad ang dalawa pang nakalalayang gunmen na sina alyas Jerry at alyas Ramil

Si Lacaya ay presiding judge ng RTC ng Sindangan, Zamboanga del Norte pero siya ay itinalaga bilang Acting Presiding Judge ng Liloy matapos alisin sa pwesto ang hukom doon dahil sa sinasabing iregularidad.

Facebook Comments