Maghahain ng diplomatic note ang Pilipinas laban sa China.
Ito ay kasunod ng mga ulat na nangunguha ang mga mangingisdang Tsino ng mga higanteng taklobo sa Panatag Shoal.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. – gumawa na ng legal action ang kanilang legal department hinggil dito.
Dagdag pa ni Locsin, nagpadala sila ng note verbale sa Beijing dahil sa isyung ito.
Iginiit ni Locsin na ilegal ang ginagawa ng Chinese fishermen dahil nilalabag nila ang conventions on environmental protection.
Nabatid noong July 12, 2016, pinaboran ng Permanent Court of Abritration sa The Hague ang petisyon ng Pilipinas na ibasura ang pag-aangkin ng China sa West Philippine Sea.
Facebook Comments