Pangungumusta sa Filipino community, unang aktibidad ng pangulo sa pagtungo sa Brussels, Belgium

Unang aktibidad ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagtungo nito sa Brussels, Belgium maliban sa partisipasyon sa ASEAN European Commemorative Summit ay pangungumusta sa Filipino community.

Gagawin ito alas-6:00 ng hapon oras sa Belgium habang ala-1:00 ng madaling araw sa Pilipinas na gagawin sa The Event Lounge.

Batay sa Directorate General Office for Foreigners, mayroong kabuuang 5,674 Pilipino na naninirahan sa Belgium, 3,984 ay permanent migrants at 1,663 irregular o undocumented migrants.


65% na trabaho ng mga ito ay domestic cleaners at helpers.

10% ang hotel staff habang 8% ang general office clerks.

6% na nursing at midwifery professionals, 4% na machine operators at assemblers at 3% na mga manager.

Facebook Comments