Hindi na ikinagulat ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) kung ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng walang trabaho sa buong Asia-Pacific Region.
Sa interview ng RMN Manila kay ALU-TUCP Spokesperson Allan Tanjusay, sinabi nito na inaasahan na nila ang pagdami ng bilang ng walang trabaho sa bansa dahil sa pandemya.
Ngunit ang malaking nakaapekto aniya kung bakit ang bansa ang may pinakamataas na joblessness sa Asya ay dahil sa poor management ng pamahalaan.
Batay sa Asia and The Pacific 2021 report na inilabas ng Asian Development Bank (ADB), nakakuha ng 5.2% ang Pilipinas pagdating sa highest increases ng unemployment rate, sinundan ng Hong Kong na may 2.9%, Azerbaijan na may 2.4%, Bhutan na may 2.3% at Indonesia na may 1.8%.
Dahil sa pandemya at lockdown nitong 2020, nakapagtala ang bansa ng 10.3 percent o 4.5 million pilipinong walang trabaho, pinakamataas sa loob ng 15-taon.