Hindi maituturing na loyalty check ayon kay Philippine National Police Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang pagbisita sa Philipppine National Police (PNP) National Headquarters ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at sa pangunguna nito sa command conference kahapon.
Ayon kay Acorda, ito’y regular command conference lamang kasama ang pangulo bilang kanilang commander-in-chief.
Samantala, sinabi rin ni Acorda na masaya ang pangulo sa iba’t ibang accomplishments ng Pambansang Pulisya.
Nagbigay rin aniya ito ng direktiba na palakasin pa ang kanilang cyber capability at pagkakaroon ng sapat na bilang ng mga communication equipment.
Sa datos ng PNP, malayo pa sa kalahati ang nakakamit na communication equipment requirement ng Pambansang Pulisya kung saan mayroon pa lamang na 32.05% fill up para sa digital radio, 33.98% para sa tactical radio at 2.48% para sa satellite phones na magagamit sa oras ng emergency o kalamidad.