Pangunguna ni VP Robredo bilang presidential bet sa isang online survey, ‘wishful thinking’ lamang – Roque

“Wishful Thinking”

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang online survey kung saan si Vice President Leni Robredo ang most preferred presidential candidate sa nalalapit na May 2022 elections.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Roque na hindi niya alam na ang PiliPinas, isang site ay nagsasagawa ng ganitong mga survey.


Mas paniniwalaan ni Roque ang mga credible polling companies na gumagamit ng cross-sampling method.

Nabatid na lumabas sa survey na nangunguna si Robredo na may 33.62%, sumusunod si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na may 22.4% at sinundan ni Senator Manny Pacquiao na may 14.76%.

Nasa ika-apat na pwesto si dating Senator Bongbong Marcos na may 11.35% at Manila Mayor Isko Moreno na may 6.48%.

Facebook Comments