Pangunguna nina Mayor Sara at Pangulong Duterte sa survey, resulta ng misinformation

Misinformation ang nakakaapekto sa mga isinagawang political surveys kaya hindi maaaring pagbatayan ito na totoong sintimyento ng taumbayan.

Ito ang iginiit ni dating Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) Secretary General Bro Clifford Sorita sa harap na rin ng lumalabas na surveys na nangunguna ang mag-amang Davao City Mayor Sara at Pangulong Rodrigo Duterte sa presidentiable at vice presidentiable race.

Ayon kay Sorita, ang problema sa ngayon ay ang pagdami ng trolls lalo na’t online ang survey.


Aniya, nakadikit kasi agad ang resulta nito kaya hindi matuturing na authentic at reliable ang pagsagot ng survey.

Sinabi naman ni 1Sambayan Convenor Neri Colmenares na ang pangunguna ni Mayor Sara sa presidential survey ay dahil na rin sa nagkalat na campaign posters nito simula noong 2020.

Kumbinsido ang 1Sambayan na sa susunud na survey ay babagsak na ang rating ng Duterte administration dahil sa palpak na pagtugon sa pandemic.

Facebook Comments