Pangunguna sa mga survey, hindi umano garantiya ng pagkapanalo sa halalan ayon sa isang political analyst

Diskumpiyado ang political analyst at Executive Director ng Institute for Political and Electoral Reform na si Prof. Ramon Casiple sa mga lumalabas na survey para sa 2022 national at local elections.

Ayon kay Casiple, hindi dapat maging batayan ng resulta ng halalan ang mga survey lalo’t kinokomisyon ito ng mismong mga kandidato para ikondisyon ang kaisipan ng mga botante.

Para kay Casiple, mas mainam aniyang tingnan ng mga botante ang track record gayundin ang mga plano ng isang kandidato bago nila ito iboto.


Halimbawa rito ang pagkapanalo ni Pasig City Mayor Vico Sotto noong 2019 elections laban kay dating Mayor Bobby Eusebio na noo’y nangunguna sa survey ng RP-Mission and Development Foundation.

Nakasaad sa survey na posibleng landslide si Eusebio na nakakuha ng 66% approval ratings kumpara sa 33% ng katunggaling si Sotto.

Subalit taliwas nito ang naging resulta ng halalan kung saan ay lumamang pa si Sotto ng 26% laban kay Eusebio na nagtapos sa 27 taon nito sa puwesto.

Facebook Comments