Pangunguna sa war on drugs ng PNP, muling hihilingin ni PNP Chief Dela Rosa kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Irerekomenda ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa kay Pangulong Rodrigo Duterte na muling ibalik sa Philippine National Police ang pangunguna sa pagsasagawa ng anti-illegal drugs operation.

Ito ay kung sa mga susunod na araw ay makikita o maoobserbahan niyang tila parang candy na naman ang bentahan ng shabu bansa.

Ayon kay Dela Rosa, kapag ganito na uli ang kalakaran ng bentahan sa iligal na droga sa bansa aasahan na aniya ang pagtaas ng heinous crime katulad ng panggahahasa at mga karumadaldumal na pagpatay.


Kabilang pa dito ang mga pulis na nagagamit ng mga drug lord sa transaksyon sa iligal na droga.

Naniniwala si PNP Chief na sa pagpapaigting ng war on drugs ng Duterte Administration ay nabawasan ang mga ganitong kalakaran sa iligal na droga sa bansa.

Facebook Comments