Pangungunahan nina Chinese Super Grandmaster Wang Hao at Wei Yi ang mga paborito sa pag-arangkada ng ng 17th Asian Continental Chess Championships sa Makati City.
Si Wang ang top seed sa torneo dahil sa kanyang 2730 ELO rating habang number two seed si Wei na tangan naman ang ELO rating na 2728.
Dalawamput limang grandmaster mula sa ibat-ibang panig ng Asia ang inaasahang magpupukpukan para makuha ang titulo sa chess tournament na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines.
Sa tindi ng kompetisyon, number 32 seed lamang ang pinakamataas na Pinoy Grand Master sa torneo ni John Paul Gomez na may ELO rating na 2450.
Sa women’s side naman, pangungunahan ni 16th seed at kauna-unahang Woman GM ng Pilipinas na si Janelle Mae Frayna ang kampanya ng mga Pinay.