PANGUNGUNAHAN | Golfer Yuka Saso flag-bearer ng Pilipinas sa Youth Olympic Games

Ang Asian Games double-gold medalist na si Yuka Saso ang flag-bearer ng Team Pilipinas sa pagbubukas ng 2018 Youth Olympic Games sa Buenos Aires, Argentina sa susunod na buwan.

Pangungunahan ni Saso ang seven-man delegation ng bansa na target malagpasan ang one gold medal haul ng Pilipinas sa 2014 Youth Olympic Games sa Nanjing, China.

Nanalo ng gold medal si Saso sa women’s individual at team event para makapagtala ng makasaysayang double sa Jakarta-Palembang Asian Games.


Makakasama ni Saso sa Youth Games para sa mga atletang may edad 17-anyos pababa sina table tennis bet Jann Mari Nayre, kite boarder Christian Tio, archer Nicole Tagle, fencer Lawrence Everett Tan, golfer Carl Jano Corpus at swimmer Nicole Justine Oliva.

Magsisimula ang Youth Olympic Games sa October 6 hanggang October 18.

Facebook Comments