PANGUNGUNAHAN | PNP-CIDG pangungunahan ang pag-aresto kay Imelda Marcos

Manila, Philippines – Inutusan na ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang PNP Criminal Investigation and Detection Group o CIDG na pangunahan ang pag-aresto kay dating first lady at incumbent Ilocos Norte representative Imelda Marcos.

Ito ay sa oras na makakuha na sila ng kopya ng warrant of arrest matapos hatulang guilty sa kasong graft si ginang Marcos ng Sandiganbayan Court.

Tiniyak naman ni Albayalde na magkakaroon ng konsiderasyon sa pag-aresto sa dating first lady lalo at may katandaan na ito at babae pa.


Nilinaw pa ni Albayalde na walang special treatment na nangyayari sa pag-aresto kay ginang Marcos.

Ikinumpara kasi ngayon ang pag-aresto kay Senator Antonio Trilianes IV at dating first lady.

Paliwanag ni Albayalde hindi minadali ang pag-aresto ka Senator Trillanes sa Senado noon dahil may mga pulis aniya talagang regular na nagbabantay sa Senado at hindi para tutukan ang naging pag-aresto sa senador.

Sa ngayon aniya handa na ang kanilang custodial center sa Camp Crame para pagkulungan kay ginang Marcos sakaling iutos ng korte na sa kanila i-custody ang dating first lady.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments