Manila, Philippines – Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw ang turn-over ceremony ng Balangiga bells sa lokal na pamahalaan sa Eastern Samar.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – hindi aangkinin ng Pangulo ang credit sa pagsasauli ng Estados Unidos ng kampana.
Ipinakita aniya ng Pangulo ang kanyang sinseridad sa pagtataguyod ng soberenya ng bansa sa pamamagitan ng diplomasya.
Lilipad ang Pangulong Duterte sa Samar para sa seremonya mamayang alas-3:00 ng hapon na dadaluhan ni U.S. Ambassador Sung Kim at iba pang local officials at mga miyembro ng simbahan.
Una nang iginiit ni Pangulong Duterte na hindi siya dadalo sa isasagawang misa ng St. Lawrence Parish Church pagkatapos ng turn-over ceremony.
Facebook Comments