Pangungutang ng gobyerno, dapat itigil na

Pinapatigil na ni Senator Leila De Lima ang gobyerno sa pangungutang dahil mistulang Golden Age of Debt na umano ang iiwang legacy ng administrasyong Duterte.

Tinukoy ni De Lima na record-breaking ₱11.07 trillion na ang utang ngayon ng bansa kung saan mukhang ginawa ng hobby ang pangungutang na ang taumbayan ang magbabayad.

Diin ni De Lima kung para sa infrastructure projects ang utang ay tila naging Debt, Debt, Debt na ang Build, Build, Build program lalo’t pawang mga proyekto pa ng nakaraang Aquino Administration ang ipinapakita.


“Is it Build, Build, Build or Debt, Debt, Debt?… With a record-breaking ₱11.07 trillion in debt, the Duterte Administration continues to be on a borrowing frenzy. And they’re far from done,” anang senador.

Ipinunto rin ni De Lima na kung pantugon sa COVID-19 pandemic ang mga inutang eh bakit kulelat tayo sa 53 bansa pagdating sa porsyento ng mga taong nabakunahan.

“Sa sobrang kapalpakan, ang ₱6.49 billion na pang-ayuda sana sa mga kababayan nating nangangailangan ay hindi naipamahagi hanggang nawalan na ng bisa ang Bayanihan 2,” sabi ni De Lima.

Dagdag pa ni De Lima, patuloy rin ang mga lockdown, kulelat din tayo sa kapasidad sa paglipad at mga ruta sa pagbiyahe ng nabakunahan at iba pang indicators tulad ng fatality at positivity rate.

Dismayado rin si De Lima na ₱6.49 billion na pang-ayuda sana sa mga kababayan nating nangangailangan ay hindi naipamahagi hanggang nawalan na ng bisa ang Bayanihan 2.

“One thing is certain. Duterte’s legacy is a Golden Age of Debt! Duterte’s debt legacy would be nightmarish for the next President, a humongous burden for us and the next generations,” giit ng senador.

Facebook Comments