Ikinatuwa ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee na nakapagpautang ang Landbank para sa agriculture, fisheries, at rural development infrastructure projects tulad ng public markets, highways, and transport systems, processing ng fisheries, agri-based products at farm inputs gayundin ang modernisasyon ng pagsasaka at business processes.
Tiwala si Lee na malaking tulong ito para mapatatag ang ating supply chain at mapababa ang presyo ng mga produktong agrikultura.
Pero kasabay nito, iginiit ni Lee na kailangan ding tapatan ng ating pamahalaan ang mga inutang ng ating mga magsasaka at mangingisda ng dagdag na infrastructure projects na popondohan ng kaban ng bayan, lalong lalo na sa post-harvest facilities katulad ng cold storage.
Giit ni Lee, kailangang tutukan ang mga pasilidad na dinadaanan ng mga produkto bago makarating sa merkado.
Iginiit ni Lee na sa kakulangan ng post-harvest facilities ay marami ang nasasayang, nalalamog o nabubulok na mga produkto, at malaki rin ang ginagastos sa pahirapang paghahatid ng ani sa merkado.
Binigyang diin ni Lee na ang suporta para sa post-harvest facilities ay tiyak magbubunga ng dagdag na kita sa mga magsasaka at mangingisda, dagdag pantustos sa pangangailangan ng kanilang pamilya, tataas din ang lokal na produksyon tungo sa food security, at mas mapapababa ang presyo sa merkado.