Panibago umanong laptop scandal sa DepEd, pinapa-imbestigahan ng Kabataan Party-list

Inihirit ng Kabataan Party-list na maimbestigahang mabuti ang umano’y panibagong kontrobersiya kaugnay sa biniling mga laptop ng Department of Education (DepEd) para sa mga guro.

Ayon kay Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel, sa halip na ipamahagi ang mga DepEd-issued Coby laptops ay ibinenta umano ito sa iba’t ibang retail stores sa Cebu at Rizal.

Sa pagkakaalam ni Manuel, ibinenta ang mabanggit na mga laptop para matapalan ang pagkalugi ng logistics contractor na umano’y hindi binayaran ng DepEd.


Nakakabahala para kay Manuel na naglaan ng 667 milyong piso para sa pamamahagi ng laptops na sobrang kailangan ng mga guro lalo noong kasagsagan ng pandemya pero hindi naman ito napunta sa mga guro.

Giit ni Manuel, dapat mapanagot ang lahat ng sangkot sa nabanggit na iregularidad.

nais ding malaman ni Manuel, kung may hakbang ng ginagawa hinggil dito ang pamunuan ng DepEd sa pangunguna ni Vice President Sara Duterte.

Facebook Comments