Muling nakapagtala ng panibagong sampung pasyente na gumaling sa COVID-19 ang Las Piñas City.
Ayon kay Las Piñas City Health Office (LPCHO) Chief Dr. Ferdinand Eusebio, kabilang sa mga gumaling ang isang 57-anyos na babaeng abogado at isang 35-anyos na babaeng doctor, na kapwa mula sa Barangay Pulang Lupa Dos.
May dalawa ring pasyenteng nakarekober mula sa Barangay Pulang Lupa Uno at anim na iba pa.
Binigyang-diin ni Dr. Eusebio na tuluy-tuloy ang pagsasasagawa ng swab testing sa frontliners at residenteng nagpakita ng sintomas sa COVID -19 kung saan target na maisailalim sa COVID-19 test ang 150 hanggang 200 na individual kada araw.
Batay sa datos ng LPCHO, nakapagtala sila ng 218 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Samantala, umabot naman sa 67 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa naturang sakit, habang nasa 23 naman ang nasawi.