Panibagong 16 na PNP personnel, infected ng COVID-19

May 16 na tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang nadagdag sa nagkasakit ng COVID-19.

Batay ito sa ulat kahapon ng PNP Health Service kaya naman 8,718 ang COVID cases sa PNP.

Ang 16 na mga bagong kaso ng COVID-19, lima sa National Operation Support Unit (NOSU), apat sa National Capital Region Police Office (NCRPO), 1 sa Police regional Office o PRO 4B, isa sa PRO 5, isa sa PRO 9, isa sa PRO 12 at tatlo sa PRO COR.


Good news naman dahil may 69 na PNP personnel na ang gumaling kaya umabot na sa 8,336 recoveries sa PNP.

Nanatili naman sa 27 ang namatay sa PNP dahil sa COVID-19.

Facebook Comments