Nadagdagan ng 25 ang bilang ng personnel ng Philippine National Police (PNP) na nakarekober na dahil sa Coronavirus Disease 2019.
Dahil dito, batay sa ulat ng PNP Health Service, umabot na sa 6,130 ang kabuuang bilang ng mga pulis na gumaling sa COVID-19.
Pero may 41 pulis naman ang nadagdag sa bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 kaya umakyat na sa 6,768 ang COVID cases sa hanay ng PNP.
Pito sa mga bagong nagpositibo nakatalaga sa Region 11, tig-anim sa PNP Region 10 at PNP Cordillera, tig-apat sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at PNP Region 7, tatlo sa PNP Region 13.
Habang tig-dalawa sa National Headquarters, National Operation Support Unit, PNP Region 1, PNP Region 4-A, at PNP Region 9.
Tig-iisa naman na nagpositibo rin sa COVID 19 ay sa PNP Region 3, PNP Region 6 at PNP Region 8.
Sa ulat pa ng PNP Health Service, nananatili sa 21 ang pulis na namatay matapos maging infected ng COVID-19.