Panibagong 30,000 na mga bagong pabahay, itatayo sa Bulacan sa ilalim ng housing project ng pamahalaan

Aasahan ang pagkakaroon ng karagdagang 30,000 na pabahay na itatayo sa lalawigan ng Bulacan.

Ito ay matapos na pangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mega ground breaking ng anim na housing projects sa Bulacan.

Sa Barangay Gaya-Gaya San Jose del Monte, Bulacan itatayo ang Rising City Residential Projects na may siyam na 8-storey buildings na may initial na target na 1,890 housing units at commercial area na 6.9 na ektarya.


Habang sa Barangay Caingin sa San Rafael itatayo sa 7 ektaryang San Rafael Heights Development Project ang 3.920 residential condominium.

Sa Barangay Penabatan, Pulilan naman itatayo ang Mom’s Ville Homeowners Association Incorporated project na mayroong walong 10-storey buildings na may 1.920 housing units sa 2 ektaryang property.

Sa talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na isinagawang ground breaking ng pabahay sinabi nitong sa pamamagitan ng proyektong ito ay magbibigyan ng pabahay ng libo-libong Bulakeño magkakaroon ng bahay na matatawag na sariling tahahan.

Tiniyak ng pangulo na matatapos sa tamang oras ang konstruksyon ng mga pabahay na ito sa tulong ng mga concerned agency.

Una nang inihayag ng Malacañang na target ng Marcos administration na makapagtayo ng isang milyong pabahay kada taon sa loob ng anim na taon upang makamit ang housing backlog ng bansa aabot sa 6.5 milyong housing units.

Facebook Comments