Panibagong 32,000 body camera, bibilhin ng PNP

Dadagdagan pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mahigit 2,000 bagong-biling body Cameras.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, aabot pa sa 32,136 body cameras ang kanilang kailangan para mabigyan ang lahat ng himpilan sa buong bansa.

Sa kasalukuyan aniya ay samga stasyon muna sa mga siyudad, partikular sa National Capital Region (NCR) ipinamigay ang unang 2,000 body camera.


Bawat istasyon ay nakatanggap ng 16 na body camera, walo rito ay regular na gagamitin sa pagpapatrolya, at walo ang nakareserba sa mga special operations tulad ng pagsisilbi ng mga search warrant.

Sa ngayon ayon Eleazar hinihintay nalang nila ang guidelines mula sa Korte Suprema sa pag-gamit ng mga kuha ng body camera bilang ebidensiya sa mga kaso.

Naniniwala ang PNP Chief na makakatulong sa proteksyon ng mga inaaresto at maging proteksyon ng mga pulis ang paggamit ng body cameras sa operasyon partikular sa anti illegal drug operations.

Facebook Comments