Panibagong 35 na mga barangay sa Pasay City, inilagay sa lockdown

Panibagong 35 na mga barangay sa Pasay City ang nadagdag sa bilang ng mga inilagay sa lockdown.

Ito ay mula sa 54 na mga barangay na lamang na naka-lockdown kahapon.

Bunga nito, 89 na mga barangay na sa Pasay City ang nasa ilalim ng localized lockdown.


Nilinaw naman ng Pasay Public Information Office na ang bagong 35 na mga barangay na naka-lockdown ay hindi kasama sa mga naunang na-lift ang lockdown.

Base naman sa data ng Pasay City Epidemiology and Surveillance Unit, 462 ang kabuuang kaso ng COVID-19 mula sa mga naka-localized lockdown na barangay.

Ito ay mula naman sa kabuuang 101 households.

Facebook Comments