Panibagong 500,000 dosage ng Sinovac mula China, dumating na sa bansa

Photo Courtesy: Philippine Airlines

Pasado alas-5:00 ngayong hapon dumating sa bansa mula Beijing ang eroplano ng Philippine Airlines lulan ang 500,000 doses ng Sinovac vaccines.

Ito na ang ikatlong batch ng sinovac na binili ng pamahalaan ng Pilipinas sa China.

Sa kabuuan, 2.4 million doses na ng Sinovac ang nai-airlift ng PAL mula sa China.


Tiniyak naman ng Department of Health (DOH)  na agad na ipapamahagi ang mga bakuna sa iba’t ibang lugar sa bansa para mapabilis ang vaccination program.

Sa harap ito ng patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Facebook Comments