Nagsagawa ng air combat exercise ang Philippine Air Force (PAF) 5th Fighter Wing na tinawag na “Sanay Sibat 2022-1.”
Ayon kay PAF Spokesperson Col. Maynard Mariano, ang exercise ay isinagawa mula February 22 hanggang March 5,2022.
Aniya, ang dalawang linggong exercises ay tinaguriang intensive air-to-air and air-to-ground activities.
Layunin nitong ihanda ang mga Air Force pilots na i-operate ang bagong Multirole Fighter Aircraft lalo na ang pinakabagong T-129 Atak helicopter na galing sa bansang Turkey.
Sinabi pa ni Mariano gusto rin ng PAF na i-evaluate ang kanilang doktrina, tactics at ang tactical readiness in terms sa kanilang capabilities.
Taon-taon nagsasagawa ng training ang PAF 5th Fighter Wing at ngayong taon ay naka pokus ito sa defensive at offensive counter air techniques, pag execute sa kanilang best tactics at coordination.