Panibagong alegasyon ni Sen. Trillanes laban kay Pangulong Duterte, minaliit ng Malacañang

Manila, Philippines – Tinawag ng Malacañang na hilaw ang panibagong expose ni Senador Antonio Trillanes laban kay Pangulong Duterte.

Partikular ang pag-uugnay ni Trillanes sa isang Daniel “snooky” Cruz na ayon sa senador ay source daw ng pangulo sa kanyang bank accounts sa ibayong-dagat.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Usec Ernesto Abella na ang tanging nailabas lang aniya ni Trillanes ay ang litrato ni ginoong Cruz na kasama ang Presidente at iba pang government officials.


Malinaw din aniyang kinuha lamang ang larawan sa social media.

Kahapon, pinabulaanan na rin ng Pangulong Duterte na kilala niya si Snooky Cruz.

Facebook Comments