Panibagong animal bite treatment center, binuksan ng QC government

Manila, Philippines – Dahil sa tumataas na bilang ng nakakagat ng alagang hayop binuksan ng QC Government ang panibagong  animal bite treatment center sa Barangay Batasan Hills.
 
Ito na ang pangalawang pasilidad na itinayo ng pamahalaang lungsod para tugunan ang problemang dulot ng rabies.
 
Ayon kay QC City Mayor Herbert Bautista hindi dapat ipagwalang-bahala ang kagat ng anumang alagang hayup gaya ng pusa at aso.
 
Dahil dito aniya plano pa ng city government na magtayo pa ng dalawang animal bite treatment center sa loob ng QC General hospital at  Novaliches District Hospital.
 
Una nang Inilunsad ang mass registration and vaccination ng mga aso sa lungsod bilang bahagi ng programa para gawing rabies-free ang QC.
 
Batay sa record ng QC Health Department umabot sa mahigit 20,083 ang nakakagat ng alagang hayop noong 2016 sa buong QC  at karamihan dito ay nangyayari kapag panahon ng summer vacation.

Facebook Comments