Panibagong apat na pulis, nasawi dahil sa COVID-19

Nadagdagan ng apat na pulis ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP).

Dahil dito, umabot na sa 96 na mga tauhan ng PNP ang binawian ng buhay dahil sa COVID-19.

Ito ay batay sa update ng PNP Health Service ngayong araw.


Ayon sa ulat, si Patient No. 93 ay lalaking Police Lieutenant na nakatalaga sa Cebu City Police Office.

Si Patient No. 94 naman ay lalaking Police Corporal na naka-assign sa Quezon City Police.

Habang si Patient No. 95 ay lalaking Police Staff Sergeant ng Regional Community Affairs and Development Division unit sa Visayas Police.

Lalaking Police Executive Master Sergeant naman si Patient No 96. na nasa holding unit at uma-attend ng schooling.

3 sa mga nasawi ang hindi mga bakunado, habang ang 1 naman ay nakatanggap na ng 1st dose.

Samantala, 176 na pulis ang mga dumagdag sa mga nagpositibo sa COVID-19 kaya’t mayroon nang kabuuang 32,631 COVID-19 cases sa PNP.

Naitala naman ng PNP Health Service ngayong araw na 157 na tauhan ng PNP na ang gumaling sa COVID-19, kaya may 30,550 total recoveries na sa PNP.

Facebook Comments