PANIBAGONG ATRAKSYON SA BAYAN NG ALAMINOS CITY, BINUKSAN NA PARA SA MGA TOURISTA

Handa ka na bang kulayan ang 2023 mo?
Marahil ito na ang sign ng unang gala ng taon kasama ang pamilya o kaibigan. Ang hundreds islands ay isa sa choice na magandang puntahan dito sa Pangasinan lalo na kung Island hopping ang gusto.
Ngayon mas lalong pinaganda ng Alaminos ang Hundred Island National Park dahil binuksan nila kahapon January 20 ang bagong atraksyon para sa mga bisita ng isla. Ito ang zipline adventure na may habang 546 meters na matatagpuan sa Governors Island. Sa halagang 250.00 ma e-enjoy mo ang pagsakay sa mahabang zipline habang tanaw ang ganda ng mga rock formation, ang mga berdeng puno at luntian dagat.

Umani naman agad ito ng positibong reaction mula sa ating mga idol na nagnanais masubukan. |ifmnews
Facebook Comments