Panibagong bagyo, nagbabanta sa Japan

Japan – Matapos manalasa ang super typhoon Lan na nag-iwan ng limang patay, nagbabanta ngayon ang Bagyong Saola sa Okinawa sa Japan.

Kumikilos ang bagyo 60 kilometro, timog kanluran ng Okinawa patungong Naha.

May lakas ito ng hangin at pagbugso na aabot sa 162 kilometro bawat oras.


Inaasahang tatama ang bagyo sa Kagushima prefecture bukas ng umaga.

Agad naman nagbabala ang gobyerno ng Japan sa mga residente sa hagupit ni Saola.

Facebook Comments