Muling nagpatupad ng rigodon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa hanay ng mga matataas na opisyal nito.
Sa reassignment order, itinalaga bilang OIC ng Office of the Deputy Chief for Administration si National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief PMaj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.
Papalit naman kay Nartatez bilang Acting Regional Director ng NCRPO si PMaj. Gen. Sidney Hernia.
Itinalaga rin bilang Acting Director ng PNP Forensic Group si PBGen. Benjamin Sembrano, habang itinalaga si PBGen. Constancio Chinayog Jr. bilang Acting Director ng Personnel and Records Management.
Si PCol. Jeffrey Decena ay magiging Acting Regional Director for Administration sa Police Regional Office – 3.
Epektibo ang balasahan sa Miyerkules,October 9.
Nauna ng itinalaga nitong nakaraang Linggo si Police Major General Edgar Okubo bilang Acting Chief of the Directorial Staff ng PNP.