Panibagong bantang tigil-pasada ng transport groups bago matapos ang taon, pinaghahandaan na ng DOTr

PHOTO: Chzianelle Salazar

Tiniyak ni Transportation Sec. Jaime Bautista na nakahanda sila sa bantang tigil-pasada ng transport groups bago matapos ang taon.

Ayon kay Bautista, nagkakasa sila ng mga libreng sakay para sa mga maaapektuhang pasahero.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya sila sa Local Government Units para sa mga libreng sakay para sa publiko.


Sa kabila nito, inihayag ni Bautista na sa ngayon ay dalawang transport groups lang naman ang madalas magwelga.

Ito aniya ay ang mga grupong PISTON at MANIBELA.

Una nang inihayag ng PISTON na balak nilang maglunsad muli ng tigil-pasada ngayong Christmas rush.

Facebook Comments