Ipapakalat na ang nasa 45 na bagong graduate ng Comprehensive Air Traffic Service course ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at itatalaga ito sa mga air traffic control centers sa iba’t ibang paliparan sa bansa.
Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolonio, ang naturang batch ay upang makadagdag sa kasalukuyang deployment ng mga air traffic control centers sa bawat paliparan sa bansa.
Kaugnay nito, binati ni CAAP Director General ang mga bagong graduate na air traffic controllers na pag-ibayuhin ang kanilang trabaho na panatilihing maayos at ligtas ang himpapawid na dadaanan ng mga aircraft sa ating bansa.
Facebook Comments