Pinoproseso na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang panibagong batch ng mga pamilya na ihahatid sa kani-kanilang lalawigan sa ilalim ng Balik-Probinsya, Bagong Pag-asa Program.
Ngayong araw, inihahanda na ang pag-uwi sa Masbate ng siyam na pamilya na binubuo ng 37 indibidwal.
Ito na ang pangatlong batch ng mga pamilya na pauuwiin ng probinsya ngayong buwan ng Marso.
Kasabay ng kanilang pag-uwi, dala nila ang livelihood grant na kaloob ng DSWD bukod pa sa transitory package para sa bawat pamilya.
Kailangan muna nilang dumaan sa assessment ng ahensya para malaman kung magkano ang dapat ipagkaloob kada pamilya.
Facebook Comments