Panibagong batch ng labi ng OFWs na nasawi sa Saudi Arabia, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa ang ika-apat na batch ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasawi sa Saudi Arabia dahil sa COVID-19 at iba pang kadahilanan.

Binubuo ito ng 72 OFWs kung saan 62 dito ay namatay dahil sa COVID-19.

Isinakay ang mga ito sa chartered flight ng Philippine Airlines PR-8683.


40 sa mga nasawing OFWs ay mula sa Al Khobar, 17 mula sa Jeddah at 15 ang galing sa Riyadh.

Sa kabuuan mula noong July, umaabot na sa 267 ang mga naiuwing labi ng OFWs mula sa Kingdom of Saudi Arabia.

Mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 sa Pasay City, ang labi ng OFWs na nasawi sa COVID ay agad na idiniretso sa mga crematorium na malapit sa airport habang ang iba naman ay ibiniyahe na rin pauwi sa kanilang mga lalawigan.

Facebook Comments