Panibagong batch ng mga frontliners sa Navotas, naturukan na ng COVID-19 vaccine

Nasa 100 na panibagong batch ng mga frontliners sa Navotas City ang nabakunahan na ng AstraZeneca COVID-19 vaccine.

Ginawa ang pagbabakuna sa Navotas Polytechnic College.

Pinasalamatan naman ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang pamahalaan sa pagbibigay sa Navotas ng 200 doses ng COVID-19 vaccines.


Umapela naman ang alkalde sa gobyerno na padalhan pa sila ng karagdagang 153 doses ng AstraZeneca vaccine dahil sa pagtaas ng kaso sa kanilang lungsod at upang mabakunahan ang lahat ng kanilang mga hospital workers.

Facebook Comments