Panibagong batch ng mga nasawing OFW sa Saudi Arabia, darating na sa susunod na linggo, ayon sa DOLE

Kasado na ang pag-uwi sa bansa ng panibagong batch ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nasawi sa Saudi Arabia dahil sa COVID-19.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ito na ang ikatlong batch ng repatriation ng mga nasawing OFW mula Saudi Arabia.

Inaasahang darating ang mga ito sa susunod na Martes, July 28, 2020 sakay ng chartered flights ng Philippine Airlines.


Karamihan sa mga makakasama sa ikatlong batch ay mula sa Jeddah na binubuo ng 30 OFW, 20 mula sa Riyadh at pito naman ang galing sa Al Khobar.

Ito ang magiging pinakamalaking bilang ng repatriates mula Saudi.

Ayon sa DOLE, Sa kabuuan 137 na ang naiuwing mga nasawing OFW sa bansa simula nang mag-umpisa ang repatriation.

Facebook Comments