Panibagong bawas-presyo sa produktong petrolyo, nakaamba sa susunod na linggo ayon sa DOE

Posibleng magkakaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ito ang kinumpirma ng Oil Industry Management Bureau (OIMB) ng Department of Energy (DOE).

Ayon kay OIMB-DOE Director Rino Abad, nasa mahigit piso ang itatapyas sa kada litro ng gasolina, habang dalawang piso naman sa kada litro ng diesel, at piso sa kada litro ng kerosene .


Paliwanag ni Abad isa sa mga dahilan sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo ay ang pagdagdag sa produksyon ng krudo ng Organization of Petroluem Exporting Countries (OPEC).

Sinabi pa ni Abad na mas mataas pa sana ang ibaba ng presyo langis kung sumabay ang pagtaas ng interest rate ng Amerika.

Nakatakda namang ilabas ng mga kompanya ng langis ang pinal na presyo na ibabawas sa kada litro ng petrolyo ngayong darating na Lunes.

Facebook Comments