Panibagong biktima ng pagdukot ng hinihinalang Abu Sayyaf sa Basilan, naitala

29
Manila, Philippines – Dinukot ng mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group ang isang kapitan at Chief Engineer ng cargo vessel sa karagatan ng Sibago Island, Mohammad Ajul, Basilan.
 
Sa ulat, dakong alas-12:32 ng tanghali nang makatanggap ng tawag ang mga otoridad mula sa MV Lorcon tungkol sa piracy attack sa MVSuper shuttle
Ro-ro 9 na isang panama registered cargo vessel.
 
Kinilala ang dinukot na boat captain na si Aurelio Agacac habang ang Chief Engineer ay si Laurencio Tiro.
 
Ang suspek ay nakasakay sa tatlong speed boat na kulay dilaw, asul at berde na tumakas papunta sa direksyon ng munisipyo ng tuburan.
 
Nagpapatuloy pa ang joint operation ng tropa ng pamahalaan laban sa mga abductor.
 
Wala pa ring inilabas na pahayag ang Western Mindanao command hinggil sa panibagong insidente ng pagdukot.


Facebook Comments