Panibagong clarificatory hearing laban sa Socorro group, isasagawa ng DOJ sa Huwebes

Magsasagawa ulit ng panibagong clarificatory hearing ang Department of Justice (DOJ) sa Huwebes, October 12 para matalakay ang mga kasong posibleng kaharapin ng Socorro Bayanihan Services Incorporated (SBSI).

Ang isinumiteng mga ebidensya at mga reklamo ay ibinase sa inisyal o hiwalay na imbestigasyon na ginawa ng Commission on Human Rights.

Samantala itinakda naman ang preliminary investigation sa October 20 at inaasahang maisusumite naman ang supplemental counter-affidavits at paghahain ng oposisyon sa motion for a Precautionary Hold Departure Order.


Sa kasalukuyan, nahaharap sa mga reklamong kidnapping, child abuse, trafficking, at iba pa ang lider ng SBSI na si Jay Rence Quilario alyas Senior Agila at ilang mga opisyal ng Socorro.

Facebook Comments