Panibagong commitment mula sa international firm, para sa pagpapaigting ng sugar sufficiency, at ethanol production sa bansa nakuha ni Pangulong Marcos

May panibagong commitment na nakuha si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. mula sa isang international company na tutulong sa Pilipinas para sa pagkakaroon ng sugar sufficiency at ethanol production sa Pilipinas.

Ito’y ayon kay Presidential Communication Office (PCO) Secretary Cheloy Velicaria – Garafil matapos ang pagpupulong ng Pangulo kasama ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA), Sugar Regulatory Administration (SRA), DATAGRO, at mga miyembro ng Private Sector Advisory Council (PSAC) sa Malacañang.

Ang DATAGRO ay isang Brazilian firm na nagawang mag-develop sa sugar industry ng Brazil.


Ito ay kinikilala bilang largest producer at exporter ng asukal at ethanol sa buong mundo.

Sa pulong, inihayag ng pangulo na tiwala siya na mapapataas ang ani ng sugarcane, na kritikal sa pag-abot sa sugar sufficiency ng bansa.

Importante aniya ang ginagampanang papel nito sa fuel market ng Pilipinas.

Sa naging pulong, iminungkahi ng DATAGRO ang pilot testing sa Negros at Panay Islands gamit ang DATAGRO Tech Transfer at Assisted Management Project.

Ayon sa kalihim, kabilang rin sa proposal ng kumpaniya ang pag-diversify sa sugarcane milling operations sa bansa, sa pamamagitan ng pag-convert ng asukal sa molasses patungong ethanol.

“Converting sugar to ethanol would help reduce sugar pollution and reduce the cost of refined oil imports, according to DATAGRO.” —Secretary Garafil

Sinabi pa ni Garafil na inutusan ng pangulo ang DA at PSAC na magsumite ng rekomendasyon para sa pagsusulong ng proyektong ito, na hindi lamang sisiguro sa sugar sufficiency ng bansa, sa halip ay magbubukas pa sa merkado para sa sektor ng enerhiya sa pamamagitan ng produksyon ng ethanol.

“The chief executive also tasked the agriculture department to ramp up consultations with stakeholders and check on the viability of the projects raised by DATAGRO.” —Secretary Garafil.

Ayon naman kay Pangulong Marcos na kailangan lamang maituro sa mga magsasaka ang teknolohiya para dito, maging ang operasyon nito.

“So we had to put the farm next to them so they can see that it works. They say that ‘if my neighbor can do it, I can do it too.’ And if you can show them you make more money doing it, then they will transfer,” —Pangulong Marcos.

Facebook Comments