Panibagong Coronavirus strain mula South Africa, nadiskubre sa United Kingdom

Bukod sa naunang new Coronavirus strain na umusbong sa United Kingdom, isa pang panibagong klase ng Coronavirus ang nadiskubre mula sa South Africa.

Ito ang kinumpirma ni British Health Secretary Matt Hancock kung saan dalawang kaso agad ang kanilang na-detect na pawang galing South Africa ilang linggo na ang nakakalipas.

Ayon sa ulat, mas nakakahawa pa ito at lumabas na mas mutated kumpara sa unang umusbong na Coronavirus strain sa UK.


Anila, posibleng isa ito sa dahilan ng muling pagtaas ng kaso ng Coronavirus sa bansa na dahilan ng pagpapatupad ng otoridad ng mas mahigpit na COVID-19 restrictions.

Facebook Comments