Panibagong COVID-19 surge sa bansa, ibinabala kasunod ng mga paglabag sa health protocols

Posible pa ring maharap sa panibagong COVID-19 surge ang Pilipinas kung hindi na susundin ang mga umiiral na health protocols lalo na sa campaign rallies.

Sa panayam ng RMN Manila, sinabi ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Medical Adviser Dr. Ted Herbosa na ang pagkabigo na sumunod sa health protocols ay posibleng magdulot ng pagtaas ng kaso ng COVID at maaaring pagmulan ng bagong variant.

Aniya, malaking bagay ang pagpapatuloy ng bakunahan lalo na ang pagkuha ng booster shots ng mga nakakumpleto na ng primary doses.


Sa ngayon, nasa ilalim ng Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR) at 38 pang lugar sa bansa.

Facebook Comments