Panibagong COVID-19 variant, na-detect sa South Africa

Isang panibagong COVID-19 variant ang na-detect ng mga scientist sa South Africa.

Ito ay matapos ang isinagawang genome sequencing kung saan sinabi ni Health Minister Joe Phaahla na nasa “serious concern” ngayon ang variant at posibleng nasa likod din ng mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa kanila.

Lumalabas na mas nakakahawa rin ang B.1.1.529 variant kumpara sa mga nauna.


Ayon sa National Institute for Communicable Diseases (NICD), nasa 22 kaso ng bagong variant ang kanilang naitala at nitong Miyerkules ay umabot sa higit 1,200 ang bagong COVID-19 cases nila mula sa 100 lamang sa mga unang linggo ng Nobyembre.

Kasunod nito, nakapagtala na rin ng nasabing variant ang Botswana at Hong Kong mula sa mga biyaherong nanggaling sa South Africa.

Samantala, idinagdag pa ng mga scientist na sa mga susunod na linggo pa malalaman kung gaano kalala ang panibagong COVID-19 variant.

Facebook Comments